Mga tagasuporta ni Duterte tinawag na kampon ng kasamaan ni Trillanes
Mistulang binansagan ni Sen. Sonny Trillanes na kampon ng kasamaan ang ilang mambabatas at ilang opisyal na patuloy na dumidipensa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Trillanes na nakakadismaya lang na tila kinukunsinti pa ng mga ito ang pagpatay at paglabag sa karapatang pantao sa ngalan ng pinaigting na kampanya kontra droga.
Paglilinaw ng senador, hindi naman siya kontra na masugpo ang iligal na droga sa bansa ngunit giit niya dapat ay naayon ito sa mga batas at walang nalalabag na mga karapatang pantao.
Kasabay nito, ang panawagan ni Trillanes sa mga pulis na huwag sundin ang utos ng pagpatay ng kanilang mga opisyal dahil hindi habambuhay na nasa puwesto si Ginoong Duterte.
Muli ring inulit ni Trillanes na alam niyang may basbas ng pangulo ang mga nagaganap na kaso ng extra judicial killings sa bansa.
Tags: duterte, trillanes