Header Ads

Risa Hontiveros At “Kiko” Pangilinan, Dumalo Sa Protesta Sa UP Laban Sa Paglilibing Kay Marcos Sa LNMB.

Dumalo sina Senators Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan sa nagpoprotestang mga grupo laban sa paglilibing kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.


Kasama ang dalawang senador sa daan-daang mga nakasuot na itim na damit sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

Tinawag na “Great Lean” ang protesta na hango sa kay Leandro “Lean” Alejandro na isang student activist na namatay noong 1987 matapos barilin na pinaniwalaang mga miyembro ng Philippine Army na loyal kay Marcos.

Parehong nagsalita ang dalawang senador sa isinagawang programa bago ang pagtakbo sa university oval.

Ayon kay Pangilinan ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpayag sa paglilibing kay Marcos sa LNMB ay isang masamang panaginip.

Habang sinabi ni Hontiveros na dapat mas inuna ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng Martial Law kesa sa nasabing hakbang.

[SOURCE]

Loading...

pinoysourceph2016. Powered by Blogger.