Header Ads

Batas dapat na umiral sa mga “narco-mayors” ayon kay Robredo

Nagbabala si Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pahayag nito ukol sa bantang pagpatay sa mga mayor na kabilang sa kanyang ‘narco-list’.


Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na umaasa siya na nagiging exaggerated lang ang pangulo sa mga pahayag nito.

Naniniwala aniya siya sa rule of law at tanging ang korte lamang ang makapagsasabi kung ang mga alkalde na nasa drug list ay guilty o inosente.

Kahapon, sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong government appointees ay sinabi ni Duterte na siya mismo ang papatay sa mga alkalde na kabilang sa kanyang ‘narco-list’.

Nagbanta rin si Duterte na tatanggalan niya ng kapangyarihan ang mga alkalde sa mga pulis at aalisin ang kanilang security.


Sinabi rin ng pangulo na kapag talamak ang droga sa isang bayan ay nangangahulugan lang ito na hindi ginagampanan ng alkalde dito ang kanyang tungkulin.

By: Mariel Cruz

Tags: drugs, duterte, narco mayors, Robredo

Loading...

pinoysourceph2016. Powered by Blogger.